Home NATIONWIDE Alamin: Ilang daan sa Maynila isasara sa Hunyo 24

Alamin: Ilang daan sa Maynila isasara sa Hunyo 24

MANILA, Philippines – Ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagsasara ng kalsada at ruta ng mga sasakyan para sa Civic and Military Parade kasabay ng pagdiriwang ng ika-453 Araw ng Maynila sa Lunes, Hunyo 24.

Ang mga sumusunod na kalsada ay isasara simula 5 a.m. sa Lunes:

-Kahabaan ng Onyx Street mula A. Francisco Street hanggang Zobel Roxas Street;
-Kahabaan ng Florentino Torres mula sa Nakar Street hanggang San Andres Ext.;
-Kahabaan ng Sagrada Familia mula Nakar Street hanggang Pasig Line; at
-Kahabaan ng Zobel Roxas Street mula Nakar Street hanggang Pasig Line

Pinayuhan ng mga awtoridad ang publiko na dumaan sa mga sumusunod na alternatibong ruta:

Ang mga sasakyan mula sa Onix Street na nagnanais na gamitin ang Zobel Roxas Street ay dapat kumanan o kaliwa sa A. Francisco Street hanggang sa destinasyon.

Ang mga sasakyan mula sa Osmeña Highway na nagnanais na gamitin ang Zobel Roxas Street ay kumanan sa Kamagong Street o kumaliwa sa Nakar Street hanggang sa destinasyon.

Ang mga sasakyan mula sa Delpan Street na nagnanais na gamitin ang Zobel Roxas Street ay kumanan sa Pasig Line hanggang sa destinasyon.

Anila, ang pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada ay ibabase sa aktwal na sitwasyon ng trapiko.

Samantala, hiniling ng Manila Police District (MPD) sa mga motorista na manatiling naka-post sa mga update sa trapiko upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko. RNT