Home METRO ALAMIN: Mga isasarang kalsada sa Araw ng Maynila

ALAMIN: Mga isasarang kalsada sa Araw ng Maynila

MANILA, Philippines – BILANG bahagi ng pagdiriwang sa ika-452 “Araw ng Maynila”, naglabas ng abiso ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa gagawing pagsasara ng ilang mga lansangan sa Tondo sa araw ng Sabado, Hunyo 24, upang bigyang-daan ang isasagawang Civic Military Parade.

Nabatid kay Atty. Princess Abante, hepe ng Manila Public Information Office (MPIO), sisimulan ang pagsasara ng alas-6 ng umaga sa mga lansangan kabilang ang kahabaan ng Moriones St. mula Mel Lopez Blvd. hanggang Zamora St., kahabaan ng J. Nolasco St. mula Morga hanggang Concha Streets, at kahabaan ng Sta Maria St. mula Morga hanggang Concha Streets.

Naglabas naman ng alternatibong ruta ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) para sa mga apektadong motorista kung saan lahat ng mga sasakyang magmumula sa N. Zamora St. na gagamit ng Moriones St. patungong Mel Lopez Blvd. ay dapat kumaliwa sa Moriones St. at gamitin ang Dagupan St patungo sa destinasyon.

Ang mga sasakyang mula sa Nolasco at Sta Maria Streets na gagamit ng Moriones St. ay dapat kumaliwa sa Concha St. kanan sa N. Zamora St. patungo sa paroroonan.

Ang mga sasakyang magmumula ng Morga St. na gagamit ng J. Nolasco St. at Sta Maria St. patungong Moriones ay dapat kumaliwa ng J. Luna St. patungo sa destinasyon.

Ang mga manggagaling naman sa Mel Lopez Blvd. na gagamit ng Moriones St. ay dapat dumiretso sa R-10, kanan ng Capulong St. patungo sa paroroonan.

Ang mga sasakyan namang magmumula sa Juan Luna St. na gagamit ng Moriones St. ay dapat na bumalik sa Tayuman St. patungo sa destinasyon.

Nabatid na una nang idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang Hunyo 24 bilang special non-working day sa Lungsod ng Maynila upang bigyang daan ang selebrasyon ng ika-452-taong pagkakatatag ng Maynila. JAY Reyes

Previous articlePaslit natagpuan sa hukay, patay
Next articleMga kasama sa Senado, idinepensa ni Bong Go