Home METRO ALAMIN: Mga isasarang kalsada sa Pangisdaan street dance competition sa Navotas

ALAMIN: Mga isasarang kalsada sa Pangisdaan street dance competition sa Navotas

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Navotas City na isasara nito ang ilang kalsada upang bigyang-daan ang Pangisdaan Street Dance Competition.

Sa Facebook post nitong Miyerkules, Enero 10, sinabi ng Navotas City public information office na iwasan ng mga motorista ang mga sumusunod na kalsada mula alas-5:30 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga sa Enero 12:

M. Naval street (Navotas City Hall)
A. Santiago street
Gov. A. Pascual
P. Cadorniga street
C-4 Road (corner M. Naval street to R-10 bridge)

Ang street dance parade ay lalahukan ng iba’t ibang paaralan sa lungsod.

Magsisimula ito sa harap ng city hall bandang alas-5:30 ng umaga at didiretso sa A. Santiago street at kakaliwa sa Gov. Pascual street.

Daraan ang parada sa P. Cadorniga street, C-4 Road, R-10, at magtutungo sa Navotas Centennial Park.

Ang aktibidad ay may kinalaman sa ika-118 founding anniversary ng lungsod sa Enero 16. RNT/JGC

Previous articleWidodo, PBBM tumanggap ng mga liham mula sa pamilya Veloso
Next articlePagbaba sa unemployment rate bunga ng maayos na economic policy – solon