Home METRO ALAMIN: Mga saradong kalsada sa Metro Manila sa weekend

ALAMIN: Mga saradong kalsada sa Metro Manila sa weekend

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways nitong Biyernes, Hunyo 23 na magsasagawa sila ng road reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila mula ngayong araw hanggang Hunyo 26.

Ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang repair ng DPWH alas-11 ng gabi ng Biyernes at tatagal hanggang alas-5 ng umaga sa Lunes, Hunyo 26.

Inaabisuhan ng MMDA ang mga motorista na maghanap ng ilang alternatibong ruta.

Ang mga kalsadang isasara dahil sa repair ay ang mga sumusunod:

C-5 Road northbound (NB), bago at pagkatapos ng intersection ng C-5 at Julia Vargas St., Pasig City

EDSA NB, pagkatapos ng Kalayaan Flyover (3rd lane mula bike lane), Makati City

C-5 Road southbound (SB), tapat ng Petron, Makati City

Mindanao Ave. NB underpass hanggang Unioil Gas Station (truck lane), Quezon City

Mindanao Ave. SB, tapat ng Yrreverre Square Bldg. (4th lane) at tapat ng BDO (1st lane), Quezon City

A. Bonifacio Ave. NB, corner Sgt. Rivera (2nd lane mula sidewalk), Quezon City

A. Bonifacio Ave. SB, Cloverleaf hanggang 11th Ave. (2nd lane mula sidewalk), Quezon City

G. Araneta Ave. SB, malapit sa Mauban St. hanggang Del Monte Ave. (1st lane mula sidewalk), Quezon City

Commonwealth Ave. NB, Commision on Audit (COA) MRT Station hanggang Kristong Hari (1st lane at Ilang-Ilang St., hanggang Sandiganbayan 4th lane), Quezon City

Commonwealth Ave. NB, Diliman Doctors Hospital hanggang Zuzuarregui St. (3rd lane at 4th lane mula gitna), Quezon City

Commonwealth Ave SB, Immaculate Concepcion St. hanggang Zuzuarregui St. (1st lane at 2nd lane), Quezon City

Pagkalampas ng C-5 Road SB at Ayala Heights intersection, Quezon City

C-5 Road SB, pagkalampas ng Magsaysay Ave., Quezon City

C-5 Road SB, pagkalampas ng Magsaysay Ave. malapit sa U-turn Slot, Quezon City

Ilang bahagi ng McArthur Highway (SB)
C-3 Road eastbound (EB), sa pagitan ng Nadurata St. at D. Aquino St. (3rd lane mula sidewalk), Caloocan City

Rizal Ave. Exit NB, sa pagitan ng 1st Ave. at 2nd Ave. (outer lane), Caloocan City

C-3 Road EB, pagitan ng Josefina St. at 3rd St. (2nd lane mula sidewalk), Caloocan City

Edsa NB, pagitan ng Gen. De Jesus at Gen. Tirona St. (3rd lane mula sidewalk), Caloocan City

McArthur Highway NB, pagitan ng Calle Uno hanggang Monumento Circle (inner lane), Caloocan City

Edsa SB, pagkatapos ng Malibay Bridge (inner lane), Pasay City

Edsa NB, Taft Ave. hanggang MRT Station (bus lane), Pasay City

C-5 Road, sa Doña Julia Vargas Lanuza Ave. Bridge, Pasig Blvd. WB malapit sa Universal Robina Corporation, Pasig City. RNT/JGC

Previous article40 ex-NPA members nakatanggap ng P2.8M ayuda sa Davao de Oro
Next articlePinuno ng Gentle Hands nahaharap sa kasong kidnapping