Alamin: Nakapagpapalaki ba ng ari ang masturbation?

Alamin: Nakapagpapalaki ba ng ari ang masturbation?

March 31, 2019 @ 1:10 PM 1 year ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Normal nang ginagawa ng kahit sino, mapababae man o lalaki, ang pagma-masturbate. Gayunpaman, kahit na hindi bago sa bawat isa ang pagma-masturbate ay marami pa ring dapat malaman tungkol dito.

Sa dinami-rami ng mga sabi-sabi na ikinukonekta sa pagma-masturbate, isa sa pinakapinag-uusapan ay kung nakakalaki ba ito ng ari ng mga lalaki.

Marami ang naniniwala na nakapagpapalaki ng ari ng lalaki ang pagma-masturbate ngunit sa totoo ay wala pang nakapagpapatunay nito.

Kung iisipin, kung ang isang lalaki ay maagang natuklasan ang sensasyong ibinibigay ng masturbation, at ngayo’y edad 60 na siya, hindi ba dapat sobrang laki na ng kaniyang ari sa edad na iyon?

Ang rason kung bakit iniisip na ang masturbation ay inaakalang nakapagpapalaki ng ari ng lalaki ay dahil sa tuwing ginagawa ito, marami sa mga lalaki ang iniipit ang kanilang ari o kaya’y hinihila upang gawin itong mas matigas at mas mabilis tumayo.

At kahit na kapansin-pansin na lumalaki ito ng kaunti, ang resulta nito ay hindi pangmatagalan. Sa katunayan, ang pagpupumilit na palakihin ang ari sa pamamagitan ng madalas na masturbation ay maaari lang magdulot ng masamang resulta gaya ng pasa o masakit na erection.

Kung nalungkot ka sa iyong nabasa, wala namang dapat ipangamba dahil marami pang ibang benepisyo ang pagma-masturbate.

Cancer prevention

Isa sa pinakasikat na benepisyo ng masturbation ay ang pagtataboy nito sa prostate cancer. Ayon sa pag-aaral na nailathala sa European Urology, sinasabi na ang madalas na pagma-masturbate ay nakapagtataboy ng prostate cancer habang ang kakulangan naman nito ay umaakit sa naturang klase ng sakit.

Stronger Penis

Habang tumatanda, ang mga lalaki ay nagsisimulang panghinaan ng muscle sa kanilang mga katawan at ang ari ay hindi nakaliligtas. Ang regular na pagma-masturbate ay nagbubuhay sa pelvic floor muscle upang mapigilan ang incontinence at erectile dysfunction, hindi pagkakaroon ng erection.

Mas matagal na sex

Nakatutulong ang masturbation para mas tumagal sa kama ang mga lalaki. Sa pamamagitan kasi nito nalalaman ng mga lalaki kung paano kontrolin at mapatagal ang erection.

Nakapagpapaganda ng mood

Ang pagma-masturbate ay naglalabas ng feel-good chemicals na nagbibigay ng masarap na pakiramdam matapos ang climax.

Hindi lang diyan natatapos ang benepisyong maibibigay ng maturbation dahil nakapagpapahupa rin ito ng stress, nakatutulong sa pagtulog, maganda sa puso, nakapagpapahaba ng buhay at nakapagpapalakas din ng immune system./Remate News Team

Share

Comments (2)

  • porn Reply

    … [Trackback]

    […] Info to that Topic: remate.ph/alamin-nakapagpapalaki-ba-ng-ari-ang-masturbation/ […]

    January 22, 2020 at 5:58 am
  • Landakpoker Reply

    … [Trackback]

    […] Read More Information here on that Topic: remate.ph/alamin-nakapagpapalaki-ba-ng-ari-ang-masturbation/ […]

    February 14, 2020 at 3:15 am

Leave a Reply

Loading...