MANILA, Philippines – Walong lugar pa rin sa Luzon ang nananatili sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 habang napanatili ng Tropical Depression Dodong ang lakas nito habang kumikilos sa hilagang-kanlurang bahagi ng Cagayan.
Ayon sa 2 p.m. weather bulletin ng PAGASA nitong Biyernes, Hulyo 14, huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Sanchez Mira, Cagayan, taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na 75 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong northwestward sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Nakataas sa babala ng bagyo ang mga sumusunod na lugar:
Cagayan
Apayao
Ilocos Norte
Abra
Ilocos Sur
Mountain Province
Kalinga
Northern portion ng Isabela (Mallig, Quezon, Santa Maria, Cabagan, Delfin Albano, Tumauini, Santo Tomas, San Pablo, Maconacon)
Sinabi pa ng PAGASA na posible ang 50-100mm accumulated rainfall sa Cagayan, Apayao, Kalinga, Abra Benguet, Ilocos Norte, La Union, at Pangasinan.
Samantala, magdadala naman ng masamang panahon ang enhanced Southwest Monsoon may sa MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, CALABARZON, Metro Manila, at mga lugar sa Northern at Central Luzon.
“In the next 24 hours, Dodong and the enhanced Southwest Monsoon may bring moderate to rough seas over the eastern (1.5 to 2.5 m) and western (2.0 to 3.5 m) seaboards of Northern Luzon, and the western seaboards of Central and Southern Luzon (2.0 to 3.5 m),” anang PAGASA.
Inaasahang kikilos ang bagyong Dodong pa-kanluran o hilagang-kanluran at lalabas sa dagat na sakop ng Ilocos ngayong hapon o gabi.
“Afterwards, Dodong will move generally northwestward over the West Philippine Sea until it exits the Philippine Area of Responsibility (PAR) [Saturday] evening or on Sunday. Outside the PAR, Dodong will move generally west-northwestward over the waters south of southern China,” sinabi pa ng PAGASA.
“Dodong will remain as a tropical depression during the remainder of its traverse of mainland Northern Luzon. It may reach tropical storm category by tomorrow afternoon or evening while over the West Philippine Sea.” RNT/JGC