MANILA, Philippines – Inilabas na ng Manila Police District- Traffic Enforcement Unit at ng Pamahalaang Lokal ng Maynila ang rerouting scheme o mga kalsada na isasara bilang paghahanda sa darating na Undas 2023.
Sa abiso, pinayuhan ang mga motorista na umiwas sa mga lugar o kalsada na isasara sa trapiko dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga bibisita sa sementeryo partikular sa Manila North Cemetery (MNC).
Simula Oktubre 31, araw ng Martes ay sarado na sa trapiko ang mga kalsada malapit sa MNC, partikular ang mga sumusunod:
– Kahabaan ng Aurora Boulevard mula Dimasalang Road hanggang Rizal Avenue
– Kahabaan ng Dimasalang Road mula Makiling St., hanggang Blumentritt Road
– Kahabaan ng P.Guevarra Street mula Cavite Street hanggang Aurora Boulevard
– Kahaban ng Blumetritt Road mula A.Bonifacio hanggang P.Guevarra Street
– Kahabaan ng Retiro Street mula Dimasalang Road hanggang Blumentritt Road
– Kahabaan ng Maceda Street mula Makiling street hanggang Dimasalang Road.
Pinayuhan din ng pamahalaang lokal ang publiko na maaring magpark ng sasakyan sa mga sumusunod:
– P.Guevarra Street mula Blumenetritt Road hanggang Aurora Boulevard
– Feliz Huertas Street mula Blmentritt Road hanggang Aurora Boulevard
– Oroquita Street mula Blumentritt Road hanggang Aurora Boulevard
– Simoun Street mula Dimasalang Road haggang mayon Street
Sa mga pupunta ng La loma at Chinese Cemeteries, maaaring dumaan sa kahabaan ng Rizal Avenue at Jose Abad Santos patungo sa entrada at labasan ng sementeryo, at pabalik.
Lahat ng sasakyan na magmumula sa Rizal Avenue na nais dumaan sa Blumentritt road ay dapat dumiretso sa Rizal Avenue patungo sa kanilang destinasyon.
Samantala, lahat ng trailers o malalaking sasakyan na manggagaling mula A.H. Lacson Avenue na nais dumaan sa Dimasalang Road ay dapat dumiretso sa Yuseco Street patungo sa kanilang destinasyon.
Maaari ring kumanan sa Makiling Street, diretso sa Blumentritt extension ang lahat ng behikulo na magmumula sa Dimasalang Road patungong Blumentritt Road. Jocelyn Tabangcura-Domenden