Home HOME BANNER STORY Alamin: Saradong daanan sa pista sa Pandacan

Alamin: Saradong daanan sa pista sa Pandacan

MANILA, Philippines – PINAALALAHANAN ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pamumuno ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang publiko partikular na ang mga motorista hinggil sa pagsasara ng ilang kalsada sa nasabing lungsod bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buling-Buling Festival sa Pandacan.

Simula alas-12:01 AM ng Enero 13, 2024 (Sabado) ay isasara ang mga sumusunod na kalsada: kahabaan ng Jesus St. mula Quirino Ave. hanggang Palumpong St.; kahabaan ng Palumpong St. mula Jesus St. hanggang Beata St.; kahabaan ng Beata St. mula Jesus St. hanggang T. Claudio St.; kahabaan ng E. Zamora St. mula Quirino Ave. hanggang Hilum St.; at kahabaan ng ML. Carreon St. mula T. Claudio St. hanggang Pedro Gil St.

Naglabas naman ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ng mga alternatibong ruta para sa mga sasakyan at ito ay ang mga sumnusunod:

Lahat ng mga sasakyan na nagnanais na gamitin ang kahabaan ng Jesus St. Mabini Bridge (Nagtahan) ay maaaring dumiretso sa Pres. Quirino Ave. hanggang sa destinasyon; Lahat ng sasakyang nagnanais na gamitin ang kahabaan ng E. Zamora St. na nagmumula sa Pres. Quirino Ave ay dumiretso sa Mabini Bridge o kaliwa sa P. Guazon St. hanggang sa destinasyon; lahat ng sasakyan na galing sa Paco-Sta. Mesa Bridge/Interlink na nais gamitin ang kahabaan ng Beata St. hanggang Palumpong St. ay maaaring dumiretso sa Pres. Quirino Ave. hanggang sa destinasyon. Jay Reyes

Previous article170 kaso ng bullying sa estudyante naitala sa halos 2 buwan – DepEd
Next articleLasing na mister patay sa saksak ng misis