Home METRO Alamin: Traffic advisory sa Pasay sa Bar Exam

Alamin: Traffic advisory sa Pasay sa Bar Exam

282
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng traffic advisory ang lokal na pamahalaan ng Pasay tungkol sa pagsasara ng mga kalsada sa lungsod kaugnay sa pagsasagawa ng 2023 Bar Examinations sa darating na Setyembre 17, 20, at 24.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, sa mga nabanggit na petsa ay isasara sa mga motorista ang San Juan Street mula Donada hanggang Leveriza Streets ng mula alas 3:00 ng madaling araw hanggang alas 8:00 ng gabi.

Ang pagsasara ng mga nabanggit na kalsada ay sa kadahilanang ang Manila Adventist College (MAC) ay matatagpuan sa nabanggit na lugar kung saan isa ito sa mga eskwelahan na pagsasagawaan ng 2023 Bar Examinations.

Nagbabala din ni Calixto-Rubiano sa mga motorista na asahan ang matinding daloy ng trapiko kapag dumaan sa nabanggit na mga lugar.

Kasabay nito ay pinayuhan na rin ni Calixto-Rubiano ang mga motorista na planuhin ng maaga ang kanilang mga patutunguhan sa mga nabanggit na petsa at maghanap ng alternative routes patungo sa detinasyon na kanilang pupuntahan. James I. Catapusan

Previous articleMaharlika fund binanggit ni PBBM sa Singapore investment pitch
Next article126 rice retailers sa Mandaluyong, Makati nakatanggap ng cash aid

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here