Manila, Philippines – “You can’t grow in your comfort zone!”
Ito ang paniniwala ni Albie Casiño who has just stepped out of his comfort zone to try something different.
Now a Viva artist, kasama na niya roon ang kanyang mga kaibigang sina Marco Gumabao at Gab Lagman.
Mala-deja vu nga ang lumukob sa 30 anyos na aktor when he set foot on Viva office.
Naaalala pa raw ni Albie noong third year high school siya, ang tanggapan ng Viva ang una niyang pinuntahan to audition.
Pangarap na raw talaga ni Albie na pumalaot sa showbiz.
Sa ngayon, iba na rin ang namamahala sa kanyang career.
His nine-year relationship with a talent manager ended, pero maayos naman daw silang nagpaalaman sa isa’t isa.
With a new career mindset, handa na rin daw mag-level up si Albie.
Hindi lingid sa kanyang kaalaman na kilala ang Vivamax sa paggawa ng mga mapangahas na proyekto.
Is Albie ready for it?
Aniya: “May Vivamax King na ba? If none, l’ll take the crown!”
Goodbye wholesome image na nga si Allie.
Patunay ‘yon ng kanyang mga walang takot na roles he has portrayed so far, including gay roles.
“As I’ve said, the only way for an actor to grow is to get out of his comfort zone,” pag-uulit pa ni Albie whose going daring in a Vivamax film is something to look forward to. Ronnie Carrasco III