Home ENTERTAINMENT Albie, flinex ang anak sa US!

Albie, flinex ang anak sa US!

Manila, Philippines- Sa wakas ay nakita na rin ni Albie Casiño nang personal ang kanyang anak.

Ito’y makaraang salubungin siya ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Michelina karga ang kanilang anak paglapag ng kanyang eroplano sa San Francisco International Airport.

Naipakilala na ng 31 anyos na aktor si Michelina noong March 2023.

Agad ginawaran ng halik sa labi ni Albie ang nobya pagkakita sa paliparan.

Agad ding nagpost si Albie ng larawan ng kanyang baby boy habang natutulog sa sasakyan.

Roman Andrew ang ipinangalan sa sanggol.

Caption ni Albie: “Finally got to meet my son. The world is yours, little man!”

Dumagsa naman ng congratulatory messages ang comment section ng social media account ni Albie.

Kabilang sina Ruffa Gutierrez at Darren Espanto sa mga nagpost nang pabiro na wala na raw itatagong sikreto ang aktor.

Tila si Darren lang ang may alam ng tungkol sa panganganak ni Michelina.

“Mahal” ang term of endearment nito kay Albie.

The actor has yet to announce kung kasama ba niyang uuwi sa bansa ang anak para dito binyagan.

Nabalitang hinintay lang ni Albie na matapos ang serye niyang Can’t Buy Me Love para maiskedyul ang kanyang US trip para makita ang anak. Ronnie Carrasco III