Home METRO Albularyo dinos-por-dos ng pasyente

Albularyo dinos-por-dos ng pasyente

302
0

NUEVA VIZCAYA-Sa hospital na binawian ng buhay ang 72 anyos na albularyo matapos na hampasin ng dos-por-dos na kahoy ng kanyang pasyenteng humihilab sa sakit ng tiyan sa Sitio Pappalang, Brgy. Camandag, Ambaguio, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si Jonas Ollani, 36 anyos habang ang biktima ay si Blacio Lindawan, 72 anyos kapwa magsasaka at residente ng Sitio Pappalang, Camandag, Ambaguio, Nueva Vizcaya

Una rito, inimbita umano ng suspek ang biktima na magsagawa ito ng “Baki Ritual” sa tahanan una dahil sa hindi umano maipaliwanag na pagsakit ng kaniyang tiyan at katawan.

Nang isasagawa na umano ng biktima ang ritwal, bigla na lamang umano itong inatake ng suspek.

Gamit ang kahoy, pinagpapalo nito ang biktima dahil sa naganap na mainit na pagtatalo sa pagitan ng mga ito.

Pagkatapos ng insidente ay tumakas umano ito patungong Sitio Cablahan, Ammoweg at agad naman umanong naipaabot sa mga otoridad ang krimen.

Sa isinagawang manhunt operation ng pulisya ay agad na nadakip ang suspek na nakatakdang sampahan ng kaso. Rey Velasco

Previous articleNamataang oil spill sa Batangas, tinututukan ng PCG
Next articleSenior tigok sa lubid

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here