Home ENTERTAINMENT Alden, bet kabugin si Coco!

Alden, bet kabugin si Coco!

Manila, Philippines- Kung ang pag-uusapan ay tungkol sa current crop of TV actor-directors, the first who comes to mind ay walang iba kundi si Coco Martin.

Aside from leading the cast of Batang Quiapo ay si Coco rin ang nagdidirek nito.

TV directing is nothing new to Coco.

Kahit noon pang umeere ang FPJ’s Ang Probinsyano ay siya ang creative director nito.

Hindi kami magtataka kung nagkakaroon si Coco ng bigtime crossover: from TV to wide screen.

Coco’s career path is so inspiring na gusto ni Alden Richards na tahakin ang parehong landas.

Pero hindi sa TV kundi sa pelikula.

Bet nga ng 32 anyos na Kapuso aktor to try his hand at directing movies.

Mukhang tatlo ang papel na gustong gampanan ni Alden pag natuloy ‘yon.

Aside from directing it ay gusto ni Alden na siya rin ang bida.

And since he’s already into producing movies, tiyak na co-producer din siya.

If ever, ang dream directorial project niya ay isang psycho film.

‘Yun nga, he stars in it, directs it and co-produces it.

Aniya, nag-uumapaw raw kasi ang kanyang mga ideya, sayang if not put to good use.

Eh, ‘di tingnan natin kung kaya ni Alden na kabugin si Coco! Ronnie Carrasco III

Previous articleTop assassin ng NPA ng Bicol, sumuko
Next article12 senador ‘perfect attendance’ mula Hulyo 2023