Home ENTERTAINMENT Alden, G na G sa part 2 ng Hello Love Goodbye!

Alden, G na G sa part 2 ng Hello Love Goodbye!

Manila, Philippines- Tila may selective amnesia si Alden Richards as regards sa pag-iimbita ng entertainment press sa tuwing may pa-thanksgiving party siya.

Tanong ng ilang uninvited press members, aware kaya rito ang Asia’s Multimedia Star?

Sino naman kasi ang naaatasang magtawag at mag-imbita sa press?

For how many years kasing consistent si Alden sa pagiging “forgetful.”

Anyway, sa ipinatawag niyang pa-thank you party nitong Linggo ng hapon, sumentro ang tanungan tungkol sa thoughts ni Alden sa napipintong sequel ng Hello Love Goodbye.

Ito ‘yung Star Cinema-produced movie sa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia-Sampana.

Shown in 2019, HLG prides itself of being the highest-grossing Filipino film of all time.

Kumita ito ng P881 million nang taon na ‘yon.

Ngayong break na si Kathryn Bernardo sa kanyang nobyong si Daniel Padilla, may marubdob na clamor o panawagan na sana’y magkaroon ito ng sequel.

Aware naman daw si Alden tungkol dito.

Siya na rin daw ang nagsabi kay direk Cathy that should there be plans of producing a part 2 of HLG ay willing siyang gawin ito.

But it will have to depend daw on Star Cinema since it owns the rights to the film.

Sa aspetong how much is Alden willing to sacrifice for the sequel, aniya’y handa raw siyang ipakansela ang ilan niyang mga proyekto alang-alang sa filming nito.

But asked when he’s ready to do it, walang kagatul-gatol na sagot ni Alden: “Anytime!”

Naiulat na namin dito sa Remate Online na nakaramdam daw umano ng insecurity si Daniel kay Alden during the filming of HLG.

Sinadya raw kasi ni Daniel ang nobya sa Hongkong kung saan nagaganap ang shoot.

Binati raw lahat ni Daniel ang mga tao sa set maliban kay Alden na nilampas-lampasan lang daw niya.

Samantala, cautious o ingat na ingat si Alden to express his thoughts about the KathNiel breakup dahil ayaw raw niyang ma-bash.

Kathryn and Daniel respectively confirmed their breakup last November 30 on social media.

Ronnie Carrasco III

Previous articleLotto Draw Result as of | December 17, 2023
Next articleGabby, matagal nang PWD!