Home ENTERTAINMENT Alden, ibinangon ang sarili!

Alden, ibinangon ang sarili!

Manila, Philippines- Depression is every single person’s concern.

No one is excused from it.

Wala ring excuse para hindi ito kayang labanan.

Such is the inspiring story of Alden Richards, having gone through months of depression himself.

Sa panayam sa aktor para sa promo ng kanyang MMFF entry with no less than Sharon Cuneta, hindi ikinahihiya ni Alden na dumaan din daw siya sa aniya’y madilim na bahagi na ‘yon ng kanyang buhay.

Aniya, tatlong buwan din daw ang itinagal niyon.

Alden’s situation was a combination of so many problems lumped together.

May problema sa kanyang showbiz career bunga ng kawalan ng trabaho sa loob ng tatlong buwan.

Idagdag pa ang problema sa kanyang negosyo.

At the same time, he had to deal with family issues.

To top it all, may mga personal pa siyang dalahin.

Magaling nga lang daw siyang magtago but admittedly, he felt worthless.

“Feeling ko, wala akong silbi!”

It had to take GMA daw to make him realize he had the wrong impression.

Pag-amin ni Alden: “Siguro, I was just being ungrateful!”

His life began to turn around nang maging busy na raw siya uli doing movies.

Ang tinutukoy niya ay ang Five Romances and A Breakup with Julia Montes na balitang kumita ng P70 million.

Mula roon, Alden started to pick up the broken pieces of himself.

Katwiran niya, sarili din lang niya ang magbabangon sa kanya, hindi ibang tao.

Candidly, kung meron daw mahalagang aral na natutunan niya back then ay ang ‘di paggamit ng droga to get away from it all.

Hindi ba kayo mapapa-sana all with Alden’s testimonial? Ronnie Carrasco III

Previous articleSpecial permits walang magagawa sa nakaambang transport crisis – grupo
Next articleAte Vi, wagi as MMFF best actress; Piolo, olat!