Home ENTERTAINMENT Alden, in-announce na ang girlet na hanap!

Alden, in-announce na ang girlet na hanap!

Manila, Philippines – At 31, kung tutuusi’y nasa marrying age na si Alden Richards.

Mapa-lalaki man o mapa-babae, anuman ang kanilang estado sa buhay, ang ideal marrying age nila’y bago sumampa ng treinta anyos.

It’s not because they’re in a rush, kundi nais nilang maging maaga ang kanilang journey to parenthood.

They simply want to enjoy their offspring.

Pero sa vlog interview kay Alden ni Bernadette Sembrano, Alden has a different take on settling down.

He doesn’t adhere to the fact na kailangang mag-set ng deadline when a guy needs to get married.

Particularly in his case, marami pa raw siyang pinagkakaabalahan.

And since he has so much on his plate, baka nga naman maging second priority lang niya ang maglaan ng panahon to whoever he’ll marry in the future.

Pero iisa lang ang itinakdang tall order ni Alden.

No, wala sa pisikal na katangian ang aniya’y hinahanap niya sa kanyang mapapangasawa.

Simple lang: ang babaeng hanap niya’y kailangang “U.”

“U” for understanding.

Dapat daw ay malawak ang pang-unawa ng magiging Mrs. Faulkerson given the nature of his job.

Tulad na lang sa latest film niya kung saan hindi lang sa mga eksenang laplapan siya sumabak kundi may steamy scenes pa sila ng katambal na si Julia Montes.

Matic nga na pag nakahanap si Alden ng understanding partner, it follows na hindi rin ito selosa.

Samantala, grateful si Alden sa GMA dahil hinahayaan siya ng kanyang home studio na umalagwa kahit hindi siya gumawa ng purong pelikula produced by its film production arm.

Bukod sa GMA Pictures, ang pelikula niya ay prodyus ng Myriad Entertainment at Cornerstone Studios.

Maging ang MMFF entry nila ni Sharon Cuneta na Family of Two ay handog naman ng Cineko Films. Ronnie Carrasco III

Previous article2 Pinoy na naaresto sa Japan ‘di pa oras para magpiyansa –  DFA
Next articleSistema ng paglalabas ng SRP bulletins binubusisi ng DTI; consumer group nababahala