Home ENTERTAINMENT Alden, may pasubali sa guesting sa E.A.T.!

Alden, may pasubali sa guesting sa E.A.T.!

Manila, Philippines- Nag-trend ang guesting ni Alden Richards sa It’s Showtime

Kahit certified Kapuso ang aktor, valid naman ang guesting niya sa nasabing noontime show.

Lest we forget, sa GTV na sister station ng GMA umeere ang Showtime.

Ikalawa, Alden showed up on Showtime to promote his MMFF entry with Sharon Cuneta.

For the record, first time nakatuntong si Alden doon kung hindi pa niya kailangang mag-promote.

Understandable naman ‘yon dahil noong time na nasa lumang Eat Bulaga pa siya ay kalaban nito ang Showtime over ABS-CBN.

Siyempre, hindi nakaligtas si Alden sa mga malulupit na tanong ni Vice Ganda.

Halimbawa na lang ay ano ang pakiramdam ni Alden sa guesting niyang ‘yon?

Aniya, karangalan daw niyang mag-guest sa Showtime, sabay pag-amin that he gets to watch it.

Sumang-ayon naman ang Unkaboggable Star na tumatangkilik din ng mga programa sa kabilang istasyon.

Sa bandang huli, hinangaan si Alden by saying na wakasan na raw ang network war or misunderstandings between and among TV networks.

Isa lang naman daw ang layunin lalo na ng mga noontime shows: ang mapasaya ang kanilang audience.

Does it follow na willing ding mag-guest si Alden sa E.A.T. on TV5?

Diretsong sagot ng aktor: “Kung papayagan ako ng GMA, why not?”

Ang GMA, papayag? Eh, may MMFF entry rin silang Firefly.

One thing’s for sure, ang co-star ni Alden sa kanilang festival entry na si Sharon will never guest on the new Eat Bulaga.

And the reason is pretty obvious. Ronnie Carrasco IiI

Previous articleYoung actor, may ka-churvahan na international performer?
Next articleLotto Draw Result as of | December 24, 2023