Home ENTERTAINMENT Alden, nagpaliwanag sa pagpili kay Julia!

Alden, nagpaliwanag sa pagpili kay Julia!

665
0

Manila, Philippines- Sa isang interview nina Julia Montes at Alden Richards, tinanong ng una ang huli kung bakit siya ang kinuha nito bilang leading lady sa Five Breakups and a Romance.

Si Alden kasi ang isa sa producers ng nasabing pelikula.

Tanong ni Julia kay Alden, “Ako, sinasabi ko rin every time na ini-interview ako na, ang tanong ko, bakit ako? So, itatanong ko sa ‘yo, bakit ako? Siyempre, at first, alam mo ito na nag-produce ka rin, risk ‘yun for you kasi hindi biro ang mag-produce.

“Bagong tinatahak mo ‘yun, and coming from the past works na nagawa mo, siyempre may pressure, nandoon, hindi maalis, ‘di ba? Bakit sa akin ka pa nagtaya?”

Ang sagot ni Alden, una pa lang daw ay naniwala na siyang si Julia ang perfect na aktres para sa role kahit na hindi pa sila nagkikita at nagkakausap tungkol sa proyekto.

“Why you? I told you, gut feel, and it felt so right, e.

“Noong hindi ko pa nakikita si Juls, daming fears, daming questions. I only know you sa surface mo,” simulang sabi ni Alden.

Dagdag niya, “I think everything happens for a reason. Si Lord, binigyan tayo ng mga opportunities sa buhay because kailangan siyang mangyari sa buhay natin, and this was meant to happen.

“This was meant to happen. I have no regrets, not even a single regret.” Rommel Placente

Previous articlePH agri trade deficit bahagyang tumaas noong Hunyo
Next articlePNP chief, mga opisyal kumasa sa drug test

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here