Manila, Philippines- Malaki ang naitulong ng online showbiz program na Showbiz Now Na para makarating sa kaalaman ni Alden Richards ang mga bagay na maaaring hindi siya aware.
Isa na nga rito ang umano’y pagiging maangas ng handler ng aktor.
Finally, pinangalanan na ng SNN main host na si Cristy Fermin ang inirereklamong handler ni Alden.
Sam daw ang pangalan nito, at senior artist handler ang katungkulan sa Sparkle Artist ng GMA.
Sa pakikipag-usap ni Cristy kay Alden, inamin ng Kapuso actor na Sam nga ang pangalan ng kanyang handler.
Tumayming daw muna si Cristy dahil noong time na ibinalita nila ‘yon sa SNN ay abala pa sa shoot si Alden sa pelikula nila ni Julia Montes.
Nangako naman si Cristy sa mga SNN viewers that as soon as she spoke to Alden ay ibabalita niya ito sa nasabing programa.
Katwiran ni Cristy, hindi naman daw si Sam ang nasisira sa mga palsong pinaggagawa nito kundi ang mismong artistang naatasan niyang i-handle, at si Alden nga ‘yon.
Advertisement