Home ENTERTAINMENT Alden, sinusulot sa GMA!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Alden, sinusulot sa GMA!November 21, 2023 10:51 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Does Alden Richards’ camp feel he’s not taken good care of by his home studio GMA?Ito kasi ang tila lumalabas na sentimento mula mismo sa kampo ng Asia’s Multimedia Star.Maugong nga ang balitang may talent/media company ang interesadong “sulutin” si Alden mula sa GMA.Ipinaalam daw nito sa aktor ang labis nilang panghihinayang sa kawalan ng magagandang TV project na iniaalok sa kanya.Dumating pa raw sa puntong ginawang comparison ang mga respective projects na ibinibigay kay Dingdong Dantes at kay Joshua Garcia.Katatapos lang ng Royal Blood ni Dingdong puwera pa ang regular shows nitong Family Feud at Amazing Earth.Sa collab naman ng GMA with ABS-CBN, nariyan ang Unbreak My Heart na break for Joshua.Sa kaso raw ni Alden ay walang maipagmamalaking proyektong masasabi na in-offer sa kanya.Sa tagal daw na namaalam ng Startup nila ni Bea Alonzo, dapat daw ay may follow-up show na ito.Between him and Bea na hindi naman homegrown artist ay agad na nasundan ‘yon ng Love Before Sunrise.This talent/media company feels Alden deserves more, at kaya raw nilang ibigay ‘yon sa aktor.Na-inspire daw kasi ang kumpanyang ito sa hatak ni Alden based on the movie which he co-produced with GMA Pictures and Cornerstone Entertainment.Balita kasing nakaka-P50 million na ito in gross earnings.Obyus na nababagalan ang talent/ media entity na ito sa inuusad ng TV career ni Alden.Siyempre, with the “panunulot” comes an enticing price which Alden can’t possibly resist.Ang tanong: will Alden allow himself to be reeled in?Gaano nakakatiyak ang kumpanyang ‘yon na susunggaban ni Alden ang kanilang offer without taking into consideration the actor’s“pagtanaw ng utang na loob”?Lastly, bakit kasi idinadaan pa sa blind item ang talent/media company na ito na gustong sulutin si Alden sa GMA?Gayong obyus naman kung alin ito, ‘di ba? Ronnie Carrasco III