Home HOME BANNER STORY Alert level 3 sa Gaza idineklara ng DFA

Alert level 3 sa Gaza idineklara ng DFA

MANILA, Philippines – Itinaas na ng Pilipinas ang crisis alert level sa Gaza sa Alert Level 3 sa gitna ng Israel-Hamas war, ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega.

Nangangahulugan ang nasabing alert level ng boluntaryong pagpapauwi sa mga Pilipino roon.

Sinabi ng mga opisyal ng foreign affairs na 70 Pilipino sa Palestinian enclave ang humihiling ngayon ng repatriation, habang tumitindi ang mga sagupaan sa pagitan ng mga puwersa ng Israel at Hamas.

Pinagtibay din ng Philippine Embassy sa Jordan ang nasabing hakbang. RNT

Previous articleNagbebenta ng wildlife species timbog sa entrapment ops
Next article₱6.8M shabu nakumpiska, 4 timbog sa Pasay