Home NATIONWIDE Alert status ng Mayon Volcano ibinaba sa Level 2

Alert status ng Mayon Volcano ibinaba sa Level 2

MANILA, Philippines- Ibinaba ang alert status sa Mayon Volcano sa Alert Level 2 dahil sa “general decline in unrest,” ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Biyernes.

“PHIVOLCS is lowering the Alert Level of Mayon Volcano from Alert Level 3 (tendency towards a hazardous eruption) to Alert Level 2 (moderate level of unrest),” anito sa 8 a.m. bulletin.

Subalit, sinabi ng PHIVOLCS na hindi nangangahulugan ang downgrade of status na tumigil na ang pag-aalburoto ng Mayon Volcano.

Inflated pa rin ang edifice ng bulkan at nananatiling “high relative to baseline levels” ang SO2 emission, base sa PHIVOLCS.

Itinaas ang Alert Level 3 sa Mayon Volcano noong Hunyo.

Pinayuhan pa rin ng PHIVOLCS ang publiko na maging alerto at iwasang lumapit sa six-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng aircraft malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa panganib na dulot nito. RNT/SA

Previous articleMungkahi ni Catapang paulit-ulit na paggawa ng krimen: PDL ikulong sa BuCor facilities
Next articleDPWH chief: May warning signs sa Antique ‘killer curve’