Home ENTERTAINMENT Alessandra at Empoy, ‘nagkabalikan’!

Alessandra at Empoy, ‘nagkabalikan’!

Manila, Philippines — ‘Nagkabalikan’nga ang AlEmpoy na nagsama sa hit movie na Kita Kita.

This year, magkasama sina Alessandra at Empoy sa sitcom sa Net 25 sitcom titled May For Ever.

It connotes two meanings: Si May ay para kay Ever, or there is forever for those who are truly in love.

Acting genre-wise, Alessandra and Empoy can work well and cook up a good piece of entertainment together.

“We may consider this our first as AlEmpoy. It was really for us,” sabi ni Alessandra.

Ang onscreen partnership nina Alessandra at Empoy started in 2017 with the follow-up Walang KaParis on Prime Video.

Anyway, may pagka-futuristic ang May For Ever dahil ang mga characters nina Alessandra at Empoy are in their ‘70s and the story is set in 2064.

The couple lives in a high-tech nursing home or an assisted living facility.

Nagto-thworback sila sa past that’s why they go back to 2024, the year when they met, fell in love, and tied the knot.

“I’m happy that they thought of a concept like this one, made for us, and I said yes (when it was offered to me),” sabi pa ni  Alessandra.

“Parang natuwa ako na hindi siya basta sitcom lang na nasa bahay o nasa tindahan. The characters’ appearance as well as posture change.”

Dagdag ni Alessandra, matagal na niyang bet na makatrabaho muli si Empoy sa kakaibang project and her wish was granted.

“‘Pag magkasama kami sa films, medyo maraming nire-require sa kanya na klase ng acting. Gusto niya comedy talaga.

“Sasamahan na lang kita kung saan mo gusto.”

Kasama rin sa sitcom sina Archie Alemania, Vangie Labalan, Michelle Vito, Drei Arias, TJ Valderrama, Mitoy Yonting, Anthony Ocampo, at Zach Francisco.

Ang May For Ever ay mapapanood na sa January 20 at 7 p.m. sa Net 25. JP Ignacio

Previous articleSofia, kumampi kina Kathryn at Sarah!
Next articlePaglulunsad ng ballistic missile ng NoKor, kinondena ng US, Japan, at South Korea