Home ENTERTAINMENT Alessandra, ‘nag-walk out’ kay Boy!

Alessandra, ‘nag-walk out’ kay Boy!

Manila, Philippines-Mahilig din pala sa playtime si Alessandra de Rossi.

Kaso, ibang level ang napili niyang i-prank.

Of all people kasi, ang King of Talk na si Boy Abunda ang napiling pagtripan ng award-winning actress.

Panauhin kasi ni Boy si Alessandra para i-promote ang kanyang MMFF entry, ang Firefly.

Inurot nang inurot ni Boy ang aktres tungkol sa kanyang lovelife.

Pretending to be peeved, nag-walk out ito pero as we say in showbiz, charot lang ‘yon.

Pero in fairness, Alessandra said quite a mouthful as regards her personal life.

Isa na rito ay ang kawalan niya ng takot na mag-isa dahil nga she remains unmarried.

Happy naman daw siya the way she lives her life.

Nagpapasalamat ang aktres sa mga taong nauunawaan siya in terms of how she values her personal space.

When not busy, Alessandra manages to spend her time productively.

Abala raw siya sa pag-aalaga ng kanyang mga pet birds.

Isa rin sa mga “pasabog” ni Alessandra sa panayam ni Boy ay ang dami ng mga boylet na binasted daw niya.

Hindi na nagbigay ng clue ang aktres but this much we know, isa roon ay mahusay na TV director. Ronnie Carrasco III

Previous articleCat at Sam, ‘hiwalay’ sa Pasko!
Next articleTransparent na paggamit ng 2024 budget titiyakin ng DBM