Home ENTERTAINMENT Alex G proud na retokada!

Alex G proud na retokada!

Manila, Philippines- Huwag nang mag-aksaya ng panahon para tanungin si Alex Gonzaga kung may nabago sa kanyang mukha.

Mismong si Alex na rin ang “nag-promote” that she had her nose done.

In fairness, marami ang nagsasabing “Ang ganda mo!” after her nose job.

Pagmamalaking post nga ni Alex: “I say do what makes you happy…after so many years of comtemplating, I finally decided to do it!”

Last month daw siya sumailalim sa rhinoplasty, “Wala nang nakapigil (sa akin)!”

Obyus namang masaya ang misis ni Mikee Morada sa kinalabasan.

Kung may mga nasiyahang netizens, meron ding mambabasag ng trip ni Alex.

Isa roon ay may post na: “May your sins be forgiven dahil sa kamangmangan mo! Hindi ka pa nakuntento sa ipinagkaloob sa iyo!”

Still another netizen pointed out: “Blessed ka na nga…ang nagagawa nga naman ng pera!”

But take a cue from Alex, eh, sa doon siya masaya!

At least, hindi tulad si Alex sa maraming celebrities na halata namang retokada pero pilit pa ring itinatanggi na gumanda sila dahil sa siyensya.

Saka for a change, saan kayo nakakita ng isang tulad ni Alex Gonzaga na ini-“launch” pa ang

kanyang pagpaparetoke?

Kakaiba, ‘di ba? Ronnie Carrasco III

Previous article2024 national budget titintahan ni PBBM sa Dis. 20 – Zubiri
Next articlePapa P at Dingdong, may pakiusap sa moviegoers!