Home ENTERTAINMENT Alex, may panawagan sa mga ipinanganak sa IVF!

Alex, may panawagan sa mga ipinanganak sa IVF!

Manila, Philippines – Sa Toni Talks ng ate niyang si Toni Gonzaga napiling magpa-interview ni Alex Gonzaga-Morada.

Pinaksa ni Alex ang kanyang journey to motherhood.

Inamin agad ni Alex na ang kanyang ikalawang pagbubuntis ay “hindi natural conception.”

Bigo siya na magkaanak sa kabila ng pagsubok na magbuntis sa pamamagitan ng IVF o in vitro fertilization.

Ang IVF ay kung saan lumilikha ng embryo sa labas ng katawan ng babae at inilalagay sa uterus nito.

Nagkaroon ng ideya si Alex na subukan ang IVF dahil na-inspire daw siya kay Michelle Obama, maybahay ng ika-44 na Pangulo ng Amerika.

Ani Alex, Michelle tried it at 34 at matagumpay raw ito.

At 36, Michelle tried it anew at successful din daw ito.

Sa kaso raw ni Alex, sinabihan na raw siya ng kanyang doktor na nasa 50-60% ang success rate ng kanyang pagbubuntis.

Bukod dito, Alex had to struggle with hormonal imbalance and deal with things na bawal niyang gawin.

Despite this, Alex’s determination to get pregnant by her husband Mikee Morada hardly wavered.

Idagdag pa raw ang pressure na nakukuha niya every time she was asked why she wasn’t pregnant yet.

Tanggap ni Alex na hindi naging matagumpay ang unang subok niya sa nasabing fertility treatment.

“It’s the Lord’s hand talaga,” sabi ni Alex na posibleng subukang muli ang IVF.

Nagpapasalamat naman si Alex kay

Mikee na aniya’y isang tunay na partner who stood by her side no matter what the outcome was.

Nagsimulang mag-focus si Alex sa nasabing procedure which consists about 12 sessions nang mamaalam sa ere ang kinabilangang show, ang Lunch Out Loud sa TV5.

For Alex, she has not given up her hope na isang araw ay ibibigay rin ng Nasa Itaas ang kanyang kahilingan.

Kasabay nito, she enjoins kids born into this world through IF to love their mothers greatly if only for their sacrifices para ipanganak sila.

Matatandaang nitong October ay may cryptic post si Alex sa Instagram, fueling speculations she had another miscarriage na hindi naman niya kinumpirma. Ronnie Carrasco III

Previous articleCastillo, itinalaga ni PBBM bilang Court of Appeals presiding judge
Next articlePrograma ng SSS, Philhealh at Pag-IBIG sa OFWs nirebyu ng Kamara