Home ENTERTAINMENT Alex, nag-throwback sa paninita sa airport, natakot!

Alex, nag-throwback sa paninita sa airport, natakot!

Manila, Philippines- Pinag-uusapan ang bardagulan nina Carla Abellana at Alex Gonzaga nang maging panauhin ng Kapuso actress ang huli sa kanyang vlog.

Nagsagawa kasi ng bag raid si Carla kay Alex at doon na nasentro ang kanilang tsikahan.

Kuwento ni Alex, hindi raw niya malilimutan nang sitahin siya noon ng isang airport officer sa isang paliparan.

Ito ay dahil lamang sa dala niyang lotion.

Aniya, inabot din umano ng halos isang oras bago natapos ang interrogation sa kanya ng nasabing airport officer.

Noong una raw ay clueless talaga siya kung bakit kailangang sitahin siya ng nabanggit na officer dahil lang sa lotion.

“May story kasi diyan. ‘Nung nasa Europe kami ‘non, Amsterdam papuntang Venice.

“So bago ako bumaba ng airport, nag-ganun ako. Feel na feel ko… hinawakan ko ‘yung bag ko.

“Tapos, alam mo yung sa airport yung ginaganon ng cotton tapos may papasukan tapos pag-uusapan nila… ‘Uy alam mo ang tagal ko doon,” ani Alex.

“Naka-hold na ako mga one hour na. Bumaba na ‘yung pinaka-head. Tapos kinausap ako ‘nung head kasi ginanun uli niya.

“‘Did you leave your bag?’ Natakot ako, sabi ko ‘no.’

“‘Did you put anything in your bag?’ ‘no!’

“‘Did you ask someone to hold it for you?’ ‘No!’

“‘Did you clean your bag?’ ‘No!’

“‘Did you put anything?’

“Usap na naman sila natatakot na ako,” pagbibida pa niya.

“Bigla kong naisip, sabi ko ‘hey I put lotion!’

“E nakita nila puro Hong Kong. ? Okay. ‘Yun pala nababasa. So medyo delikado pala,” dugtong niya.

Sey pa ni Alex, lesson learned daw sa kanya ang naging karanasan niya na iyon.

Kaya naman, maingat na raw siya ngayon pagdating sa pagbibiyahe lalo na kung nasa ibang bansa pa siya.

Marami naman ang naka-relate sa kuwento ni Alex lalo na iyong mga nagbibiyahe kung saan nakalagay sa terms of carriage ang mga items na pinapayagan at ipinagbabawal sa anumang paliparan. Archie Liao

Previous articleBidding para sa vote transmission services sa 2025 elections umarangkada
Next articleAustralia mamumuhunan ng $20M sa pagpapalakas ng PH justice system