Manila, Philippines – It’s obvious that Alex Gonzaga wants to put the cake issue she got involved in behind her.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng TV host cum vlogger ang ilang litrato kuha sa birthday ng amang si Daddy Bonoy nitong February 5.
Present were her Mommy Pinty, his husband Mikee Morado and uncle Jojo.
Tradisyon nang binibigyan ng cake ang sinumang nagdiriwang ng kanyang kaarawan.
But Alex opted otherwise.
Sa halip na cake ay tinapay ang ibinigay ni Alex sa ama, but just the same ay meron din itong mga nakasinding kandila.
Caption ni Alex: “Happy birthday, daddy! Love you always. Pasensya dahil tinapay lang ang maipapadala ko. Iwas-iwas muna mag-(cake emoji). Mahirap na.”
Ikinaaliw naman ‘yon ng mga netizens who were one in saying that Alex has indeed learned her lesson.
Patunay raw na naka-move on na siya sa isyu at ayaw nang maalala ang mismong kalokohan niya she felt sorry for.
Matatandaang binatikos si Alex for smearing icing of her moist chocolate cake on the face of the waiter later identified as Allan Crisostomo.
Naganap ‘yon sa bisperas ng kanyang 35th birthday sa Rockwell, Makati City.
In fairness, the next day ay pinuntahan ni Alex ang waiter sa workplace nito para magsori.
Para makaiwas din sa cake, wala rin ito sa birthay cum anniversary concert ng kapatid ni Alex na si Toni sa Smart Araneta Coliseum noong January 20.
But of course, ‘yung tinapay kapalit ng cake na bigay ni Alex sa ama ay malinaw na palabas lang.
In the first place, no person in his sane mind will ever give bread to someone celebrating his birthday.