Home ENTERTAINMENT Aljur at AJ, naglaplapan sa stage!

Aljur at AJ, naglaplapan sa stage!

379
0

Canada – All inhibitions gone.

Ganito maaaring ilarawan ang ninanamnam na kalayaan nina AJ Raval at Aljur Abrenica sa kanilang lantarang relasyon.

Trending sa video ng magkasintahan taken at Aliur’s show in Canada.

Nagtanghal doon ang aktor, showing off his talent in singing na hindi alam ng marami ay taglay niya.

But Aljur offered more than just that.

Ang dapat sana’y song number lang na ipe-perform niya ay sinamahan pa niya ng pagtawag kay AJ to go up the stage to join him.

What brought the house down ay nang mag-lips-to-lips ang dalawa which made the audience go giddy.

Kinakiligan ng mga manonood ang kanilang live laplapan!

May ilang nakapansin most especially those seated near the stage na humulas ang foundation sa mukha ni Aljur.

Dala na rin ‘yon ng kanyang tumatagaktak na pawis which got mixed with the makeup on his face.

Natuklasan din ng Pinoy audience sa Canada kung gaano raw kaliit ang mukha ni AJ sa personal.

Sa liit daw ng mukha ng Vivamax star ay mukha raw itong anime.

Ang halikang ‘yon nina AJ at Aliur was but a reaffirmation na keber na sila anuman ang sabihin sa kanila ng tao.

Kung natanggap nga sila rito, ano’ng dahilan para hindi tanggapin ang kanilang relasyon sa abroad?

Samantala, just when most people thought na may epekto kay Kylie Padilla ang relasyong AJ-Aljur in the physical sense ay magugulat pa nga ang makakapansin sa kanya ngayon.

May resemblance daw si Kylie sa manyikang si Barbie!

At least, doll…hindi dull! Lol! Ronnie Carrasco III

Previous articleLiza, may serye na sa Korea!
Next articleDICT kailangan ng ₱300M confidential funds vs scammers

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here