Home NATIONWIDE All systems go sa konstruksyon ng 4H housing units

All systems go sa konstruksyon ng 4H housing units

MANILA, Philippines – “All systems go” na para sa konstruksyon ng in-city housing units sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng administrasyon.

Ayon kay House Appropriations Committee chair Elizaldy Co na ang Kongreso, bilang bahagi ng oversight function nito, ay nagsagawa ng site inspections ng 4PH housing projects sa San Mateo, Rizal; Novaliches, at Caloocan.

“Under the leadership of Speaker Martin Romualdez, kami sa Congress, part of our function is to make sure that the priority projects of the administration are not just well-allocated ang budget but also, nagagawa yung mga projects,” sinabi ni Co.

Aniya, mabilis ang naging usad ng implementasyon ng proyekto sa city housing sites na ito sa loob lamang ng isang buwan.

Ang 4PH Program ay ang flagship program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layong magtayo ng isang milyong housing units taon-taon hanggang 2028 upang matugunan ang housing backlog na nasa mahigit 6.5 milyong unit.

“These condominium style housing projects are part of PBBM’s Legacy Project. Aside from Metro Manila, the 4P’s housing project is simultaneously done in different regions all over the country,” sinabi ni Co.

Layon ng programang ito na magbigay ng disenteng tirahan sa mga nangangailangang residente.

Sa kasalukuyan ay mayroong nagpapatuloy na konstruksyon ng 170,000 units o 55 na proyekto ang Department of Human Settlement and Urban Development. RNT/JGC

Previous articleExtradition laban kay Teves, gumugulong na – DOJ
Next articleKris, nasa UCLA hospital na; Joshua, nagbalik-Pinas!