Home ENTERTAINMENT Allen, naawa kay Jiro!

Allen, naawa kay Jiro!

Manila, Philippines – Naging usap-usapan ang pagbebenta ni Jiro Manio ng kanyang 2004 Gawad Urian Best Actor trophy na natanggap niya para sa pelikulang Magnifico.

Ibinenta niya ito kay Boss Toyo, isang kolektor at vlogger ng Pinoy Pawn Stars sa halagang PHP75,000 dahil sa pangangailangang pinansiyal.

Si Allen Dizon ay isang award-winning actor kaya naman marami na siyang natanggap na acting trophies mula sa iba’t-ibang award-giving bodies.

Kaya naman sa isang interview sa kanya ay kinunan siya ng pahayag sa ginawang pagbenta ni Jiro ng kanyang trophy.

Sabi ni Allen, “Hindi ako si Jiro, e. Hindi ako ang nasa posisyon niya, e.

“Hindi ko alam kung ano yung nasa isip niya, ano ang nasa utak niya, kung kailangan niya ng pera, kailangan niya ng ganito.

“Pero siyempre, kung ikaw artista ka, kumbaga ipagmamalaki mo na iyan hanggang tumanda ka na.

“Hanggang sa mga apo mo, at kapag namatay ka na, meron kang legacy na, ‘Ito si Jiro Manio, Best Actor ng Urian!’

“It’s priceless, hindi mo puwedeng ibenta ng kahit magkano iyan.”

Ikinalungkot daw ni Allen ang pangyayaring iyon.

“Siyempre ako… I can’t imagine na yung mga anak ko ibebenta nila yung trophy ko kapag namatay ako. Di ba?

“Kumbaga, hindi mo sila puwedeng bigyan ng idea na, ‘O pag namatay na ako benta niyo ito para magkapera kayo.’

“Hindi, e! Kumbaga priceless yun, hindi mo mabibili ng pera yun. Kumbaga pinaghirapan mo yun mula nung time na nag-artista ka.

“Iyon yung validation mo, iyon yung pagkilala sa iyo na magaling kang artista.”

Pero ayon kay Allen, naiintindihan naman niya na may pangangailangang pinansiyal si Jiro kaya nagawa nitong magbenta ng tropeyo niya.

“Iyon nga,” pakli ni Allen.

“Wala kasi ako sa ano ni Jiro, wala ako sa posisyon niya, pero hindi ko siya masisisi.

“Pero sa akin as an actor, sa akin, hindi ko puwedeng ibenta yung alam kong priceless sa akin, e.

“Kasi parang binenta ko yung pagkatao ko. Parang, wow!

“So, lahat na lang pala ng trophy puwedeng ibenta? So ikaw ang Best Actor, pero wala kang proof.” Rommel Placente

Previous articlePinas, iba pang Indo-Pacific partners aasistihan ng USCG vs illegal sea activities
Next articleAmerican nat’l kalaboso sa bomb joke sa Laguindingan Airport