Home ENTERTAINMENT Allen, walang oras sa gala, mas bet magpa-massage!

Allen, walang oras sa gala, mas bet magpa-massage!

Screenshot

Manila, Philippines – Ang award-winning actor na si Allen Dizon ang isa sa mga special guests sa official opening ng Thai Relax Massage ng movie producer na si Madam Baby Go.

Sakto naman na nag-break si Allen sa taping ng teleseryeng Abot Kamay na Pangarap kaya nakalagare siya sa nasabing event.

FYI, si Allen din ang isa sa nga orig na anak-anakan ni Madam Baby na laging kasama sa mga pelikulang pino-prodyus ng BG Films International.

“Marami tayong ginagawa and thank God for all the blessings. Kahit paano, e, hindi tayo nawawalan ng trabaho.

“Yung taping sa Abot Kamay, magdamagan ‘yun. Tapos may mga movies la na ginagawa.

“Kaya everytime na may chance na magpahinga, e, hindi na tayo nakakagala.

“I make it to a point na magpahinga na lang and magpa-massage.

“Siyempre, pagod tayo sa trabaho kaya kailangang bigyan natin ng time ang sarili.

“Kaya sakto nga itong Thai Massage ni Mam Baby, at least dito na ako magpapahinga kapag may break sa shooting o taping,” sabi pa ni Allen.

Ilan pa sa mga umattend sa opening ng Thai Massage ay ang actress/producer Kate Brios, Liz Alindogan, Atty. Ferdie Topacio at iba pa.

Ibinalita ni Allen na extended ulit ang Abot Kamay hanggang September.

Nagpasalamat naman si Allen kay Go sa mga pelikulang na prodyus niya na kasama siya.

Ilang oras ding nagtagal si Allen sa nasabing spa, sinubok ang foot massage at saka nagpaalam para bumalik sa taping. JP Ignacio