Home NATIONWIDE Allowance, benefits hike bill sa DFA, isinusulong sa Senado

Allowance, benefits hike bill sa DFA, isinusulong sa Senado

360
0

MANILA, Philippines- Umarangkada sa Senado ang pagdinig sa ilang panukalang batas na naglalayong dagdagan ang allowance at benepisyo ng diplomatiko at retiradong empleyado ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa ginanap na pagdinig ng GOCC Committee katuwang ang Committees on Foreign Relations, Ways and Means, and Finance, tinalakay ang anim na panukalang batas na naglalayong dagdagan ang pension at disability benefit ng DFA retiree.

Inihayag ni Senador Alan Peter Cayetano, chairman ng GOCC committee, na suportado ng buong Senado ang panukala ng DFA sa dagdag-allowance at pensiyon upang “makapamuhay sila nang may dignidad” at katawanin ang Pilipinas sa ibang bansa nang mahusay at mapagsilibihan ang overseas Filipino workers (OFWs).

Aniya, kabilang sa mahahalagang probisyon ng panukalang batas ang pagbibigay ng karagdagang pensyon sa retiradong empleyado ng DFA na nagsilbi ng hindi bababa sa 15 taon o anuman ang ranggo.

Naunang hiniling ni DFA Undersecretary Antonio Morales na maraming opisyal at empleyado ng ahensiya ang nagretiro 20 taon na ang nakakaraan – kabilang ang ilang ambassador na nakarating pa sa pinakamataas na ranggo –ang tumatanggap lamang ng P20,000 buwanang pensiyon.

“They are now very senior citizens and that’s barely enough to cover their maintenance medicine,” ani Morales.

Dagdag pa rito, itinutulak ng Undersecretary ang pagtaas ng allowance ng mga aktibong tauhan ng DFA na nasa ibang bansa na humaharap sa panganib na bahagi ng kanilang trabaho at “pilit lang pinagkakasya ang allowance.”

“Napakamahal na po ng mga bilihin. Ang ating mga diplomat ay kailangan naman pong mamuhay nang may dignidad para mai-represent ang ating bansa,” pahayag ni Morales.

Partikular na inihalimbawa ni Morales ang ambassador sa Egypt na naaksidente habang nagmamadaling tulungan ang mga kababayan sa border ng Sudan. “But thanks to God, salamat po sa Diyos at hindi naman sila nasaktan noong vice consul.”

“Every day in the different foreign service posts, we face dangers, and we continue to operate in war-torn countries… We still have the presence in Libya, in Syria, in Baghdad, where the situation is still not very stable. But that is part of our job,” dagdag niya.

Ipinaliwanag ni Morales na base sa panukala, aabot ang halaga ng dagdag ng pensyon sa DFA personnel sa “diperensiya sa pagitan ng monthly pension at umiiral na tantos ng salary grade sa kanilang ranggo sa pagreretiro.”

“We wish to emphasize that the DFA will not leave the GSIS… DFA personnel will continue to contribute to the GSIS, and the DFA will only administer additional benefits provided by these proposed bills,” paliwanag ni Morales.

Ayon sa data ng ahesya, umabot sa 688 ang retiradong DFA personnel at eligible dependents na tumatanggap ng pensiyon sa GSIS na kaagad mabebenipisyuhan ng panhkala. Umaabot naman sa 46 retirees kada taon ang naitatala.

Sinabi ni Cayetano na aabot sa P385-395 milyon hanggang 2026 ang kailangang dagdag ng pondo base sa pag-aaral ng DFA.

“Hindi hinihingi ng mga nag-sacrifice para sa ating bansa na kaawaan sila, whether na-disable sa war-torn areas. Ang hinihingi nila ay konting social justice d’un sa kanilang inambag sa lipunan,” aniya.

“DFA has never asked for special treatment naman vis-a-vis when we deal with the pay scale of the whole government. But as far as allowances, we do know that if you’re assigned somewhere na napakataas ng cost of living, bale wala na y’ung sweldo,” dagdag ng senador.

Ipinunto pa ng mambabatas na dating DFA secretary, na mas maaakit ng DFA na magtrabaho sa ahensya ang “best and the brightest” na Pilipino kung alam nilang matutugunan ang kanilang mga pangangailangan habang nasa serbisyo sila at maging kapag tapos na ito.

“The better benefits for our diplomats, the better services din for our Filipinos abroad, the better chances din of finding more countries na maganda ang turing sa Pilipino at mataas ang sweldo,” ani Cayetano.

“When we send diplomats out of the country, they have to be the best version of the Filipino and the Filipina. That’s why it’s so important na tama y’ung allowances, tama y’ung remuneration,” dagdag niya. Ernie Reyes

Previous articleSeguridad sa Camp Crame evidence room, pinaigting ng PNP
Next article2 wanted persons nalambat sa magkahiwalay na operasyon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here