Manila, Philippines – Kung may isang aktres na magaling magtago ng sakit dulot ng kanyang karamdaman ay si Alma Moreno ‘yon.
Taong 2021 nang masuri si Alma na nagtataglay ng multiple sclerosis on MS.
Ang MS ay isang chronic neurological disease kung saan pinupuntirya nito ang central nervous system on CNS ng isang tao.
Apektado ang utak, spinal cord at optic nerves ng isang tao diagnosed with MS.
Ang kaso ni Alma ay karaniwan sa lahat ng mga kapwa niya inflicted with the same ailment.
Matinding sakit ang dulot nito saka panginginig ng buong kalamnan.
Sadly, wala itong lunas.
Ani Ness (palayaw ng aktres), hindi raw kinakaya ng anumang pain reliever para maibsan ang nararamdaman niyang sakit.
Sa katunayan, sa vlog interview sa kanya ni Ogie Diaz ay ‘in pain” siya pero tinitiis lang niya.
Ang tangi raw gamot sa kanya, ayon na rin sa kanyang doktor, ay uminom siya ng pampatulog.
Pero mismong doktor na rin ang nagsasabi sa kanya na kung unbearable na raw ang sakit ay mainam na magpaospital na.
Since 2001 hanggang ngayon, inamin ng batikang aktres that never was there a single instance na nagsabi siya sa kanyang mga anak sa tuwing sinusumpong siya’t namimilipit sa sakit.
Tinitiis lang daw niya ang pain dahil katwiran niya, mawawala rin naman daw ‘yon.
To top it all, iniiwasan daw ni Ness na mag-alala ang kamyang mga anak sa kalagayan niya.
Alma is able to hide it from her children to the point na idinadaan na lang daw niya ‘yon sa iyak.
Isa pa raw na makakatulong to ease the pain ay huwag magpaka-stress.
Pero nagpapakatotoo lang si Ness sa pagsasabing sa uri ng trabaho niya sa showbiz ay imposibleng hindi ka makaranas ng stress.
Pagka-busy sa showbiz work ang itinuturing na therapy ni Alma to fight off the pain.
Aniya: “Eh, kung sa bahay lang ako palagi’t walang ginagawa, baka mamatay naman ako!” Ronnie Carrasco III