Home NATIONWIDE Alyansa ng PDP-Laban, Lakas-CMD pinagtibay

Alyansa ng PDP-Laban, Lakas-CMD pinagtibay

293
0

MANILA, Philippines – Lumagda ng partnership agreement angĀ  Lakas-CMD at ng PDP-Laban.

Nangyari ang paglagda matapos manumpa si Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales bilang Senior Deputy Speaker.

Pinalitan ni Gonzales ang kanyang kasama sa probinsiya na si Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, na dati ring Speaker at dating Pangulo.

Ang mga detalye ng kasunduan ay hindi pa inilalabas.

Sina Speaker Martin Romualdez at Arroyo ay magkapartido sa Lakas-CMD. Si Romualdez ang presidente ng partido habang si Arroyo ang chairperson-emeritus nito.

Si Gonzales ay miyembro ng dating naghaharing partido na PDP-Laban.

Inihalal ng House of Representatives si Gonzales bilang pangunahing deputy speaker noong Miyerkules.

Makalipas ang isang araw, itinanggi ni Arroyo ang mga ulat na sangkot siya sa isang balak na patalsikin si Romualdez bilang Speaker.

Noong Biyernes, nagbitiw sa Lakas-CMD si Bise Presidente Sara Duterte, kung saan siya tumakbo sa Eleksyon 2022. RNT

Previous articlePNP nakahanda na sa BSKE 2023
Next article19 kabataan tusta sa nasunog na dormitoryo!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here