Home METRO Alyas ‘Parak’ na tulak, laglag sa P20K ‘bato’; 2 pa huli sa...

Alyas ‘Parak’ na tulak, laglag sa P20K ‘bato’; 2 pa huli sa Bulacan buy-bust

Bulacan – Arestado ang isang pinaghihinalaang tulak matapos mahulihan ng P20,400 halaga ng iligal na droga sa magdamagang buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Sta. Maria.

Kinilala ng pulisya ang naarestong 32 anyos na suspek sa alyas “Parak.”

Sa report ng Sta. Maria police station, ikinasa nila ang operasyon laban sa target sa Brgy. Bagbaguin.

Nakumpiska sa operasyon ang apat na sachets na pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P20,400 at marked money.

Samantala, dalawa pang hindi pinangalanang tulak ang naaresto sa kaparehong operasyon ng pulisya sa bayan ng San Miguel at Calumpit.

Narekober sa operasyon ang tatlong sachets na pinaghihinalaang shabu na halagang P6,800 at dalawang sachets ng marijuana na may halagang P1,200 at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya na humuli sa kanila. Dick Mirasol III

Previous articleParusa laban sa dating tauhan sa Malacanang na nagtago ng Barrameda case records, pinagtibay ng SC
Next articleLotto Draw Result as of | January 17, 2024