“Very special ‘tong conference na ‘to kasi we’re very unpredictable. We don’t know what to expect from our team,” ani Valdez
Tinanggap ni Alyssa Valdez ang hamon ng nakikita niyang ‘unpredictable’ conference para sa Creamline.
“We don’t know also kung sinong ilalaro dahil everyone really deserves a spot in the team and I think that’s the beauty of the Creamline Cool Smashers now,” ani Valdez.
Sinimulan ng Cool Smashers ang All-Filipino tournament nang walang ilang key player – sina middle blocker Ced Domingo at libero Kyla Atienza ay wala – habang si Kyle Negrito ay mahusay na nakuha ang puwesto ni setter Jia de Guzman nang ang Cool Smashers ay umiskor ng apat na set na panalo laban kay Choco Mucho.
“Wala namang pinapalitan, walang inaalis. Talagang tinutulungan at tinuturuan kami ng mga coaches namin na maging professional pagdating sa kung ano ang trabaho namin sa loob at labas ng court,” dagdag nito.
“Very special ‘tong conference na ‘to kasi we’re very unpredictable. We don’t know what to expect also from our team. We just work hard, nag-tatrabaho kami, so I think ‘yun ‘yung isa sa motivation ko. rin this year,” ani Valdez.
“Coming off from an injury din as well, ang sarap lang maglaro kasama ng mga teammates ko ngayon at mga coaches na talagang very, very professional,” dagdag pa nito.
“Everyone naman is really stepping up, kung sinong pinapasok ni Coach Sherwin (Meneses), so I guess that’s a good problem for Coach Sherwin and hopefully maging advantage namin ‘yun this conference.”
“One game pa lang, mahaba-haba pa … pero ngayon talaga, tulungan hanggang sa maliit na bagay, ‘yun ‘yung gagawin namin.”JC