Home ENTERTAINMENT Amabella de Leon, bet masalisihan!

Amabella de Leon, bet masalisihan!

Manila, Philippines- Marami ang natawa nang sinabi ng Vivamax sex siren na si Amabella de Leon na bet niyang masalisihan ng karelasyon.

Meaning, gusto niyang mabiktima ng babaerong boyfriend.

Bakit naman?

“Mas gusto ko ang masalisihan ako kesa ako ang sumalisi.

“Mabait kasi ako and hindi ko kaya gawin ‘yun sa karelasyon ko. Ayokong magkasala, deretsong sabi ni Amabella.

Tinanong kasi ang cast ng pelikulang Salisihan at halos lahat sila ay nagkaisa sa sagot.

Tinanong sila kung ano ang mas gusto nila, ang manalisi o masalisihan.

Kasama sa cast sina Chester Garcia, Ralph Christian Engle at Zsada Laxamana.

Inihabol din naman ni Amabella na sana, walang mangyari salisihan o manalisi kasi parehong mali.

“Pero kung may masasaktan, ako na lang,” sabi pa niya.

Anyway, mainit ang mga eksena sa nasabing pelikula at super daring din ang mga love scene na ginawa ni Amabella.

Streaming na ang Salisihan soon sa Vivamax. JP Ignacio

Previous articleDA sa mga magsasaka: Gumamit ng water-saving tech sa gitna ng El NiƱo
Next articleMga nasunugan sa Puerto Princesa inayudahan ni Bong Go