Home METRO Amazona, isa pang NPA patay sa engkwentro ng militar

Amazona, isa pang NPA patay sa engkwentro ng militar

GATTARAN, CAGAYAN – Isang babae at isang lalaki na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang namatay habang walang naitalang casualty sa pwersa ng pamahalaan o kasundaluhan ng 95th Infantry Battalion Philippine Army sa Brgy. San Carlos, Gattaran, Cagayan, kaninang umaga, Disyembre 23, 2023.

Halos umabot sa 50 minuto ang engkwentro o labanan at nasamsam ang iba’t ibang kagamitan ng mga patakas na rebelde sa lugar matapos ang engkwentro.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawing makakaliwang grupo ng terorista.

Samantala, patuloy ang manhunt operation ng pwersa ng militar sa mga patakas na rebelde sa naturang lugar. Rey Velasco

Previous article3,254 traffic violators nasita ng LTO sa NCR mula Nob. 26 ‘gang Dis. 15
Next articleIsabela idineklarang bird flu free province