Home NATIONWIDE Ambag ng Pilipinas sa global creative industries market, patataasin

Ambag ng Pilipinas sa global creative industries market, patataasin

MANILA, Philippines – TINITIGNAN ng Pilipinas ang partnership sa Japan at iba pang bansa para tumaas ang share nito sa global creative industries market.

Sa naging talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa idinaos na Creative & Sustainable Economy Through Innovation event na pinangunahan ng Department of Trade and Industry sa Tokyo, Japan,  winika ng Pangulo na ang Philippine creative economy ay nananatiling pangunahing contributor sa “sustainable economic development.”

“One way to accelerate this is in partnering with like-minded countries such as Japan. In the Philippines, we are not just witnessing economic growth. We are crafting a legacy of innovation, creativity, and sustainability for generations to come,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa sidelines ng  Commemorative Summit para sa  50th year of ASEAN-Japan Friendship and Cooperation.

Tinuran ng Pangulo na ang  global creative industries market ay inaasahan na lalago sa USD3.4 trillion sa 2028 mula USD2.6 trillion sa 2022.

Layon aniya ng Pilipinas na “to increase our share of the pie of these numbers.”

Looking forward naman si Pangulong Marcos na makita ang gawa ng mga talentong Filipino sa computer animation na espesyalista  sa Japanese-stylized animation.

“I am very optimistic that this collective effort towards a creative and sustainable economy will foster great opportunities and prosperity for the Philippines and Japan,” anito. Kris Jose

Previous articlePagsira sa ospital sa Gaza, kinondena ng WHO
Next articleKabayan nag-landfall sa DavOr