#AmboPH bahagyang lumakas habang tinatahak ang Philippine Sea

#AmboPH bahagyang lumakas habang tinatahak ang Philippine Sea

May 11, 2020 @ 6:20 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Batay sa pinakahuling tala ng PAG-ASA, namataan ang sentro ng Tropical Depression “Ambo” sa 340 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Umaabot sa 55 km/h ang lakas ng hangin nito malapit sa sentro at may bugso na 70 km/h.

Mabagal naman ang kilos nito patungong kanluran.

Magdadala ng kalat-kalat na mahihina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat ang Bagyong Ambo sa mga rehiyon ng Caraga at Davao sa susunod na 24 oras.

Makararanas naman ang Metro Manila ng malakas na pag-ulan at malakas na hangin sa Huwebes ng gabi dahil sa Tropical Depression.

Inaasahan ding magla-landfall sa Bicol ang Tropical Depression sa Huwebes, Mayo 14.

Sa ngayon, wala pang typhoon signals ang nakataas sa iba’t ibang panig ng bansa. RNT/MM/Danny Querubin

Share

Leave a Reply

Loading...