#AmboPH, nagland-fall na sa San Policarpio, E. Samar; Signal no. 3, itinaas sa 6 lugar

#AmboPH, nagland-fall na sa San Policarpio, E. Samar; Signal no. 3, itinaas sa 6 lugar

May 14, 2020 @ 12:45 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Nag-landfall na ang Bagyong Ambo sa San Policarpio, Easter Samar bandang 12:15 ng tanghali ngayong araw ng Huwebes, Mayo 14.

Bukod pa rito, isinailalim na rin sa Signal No. 3 ang anim na lugar habang nananatili ang lakas ng Bagyong Ambo.

Magdadala ito ng mabigat na pag-ulan na malakas at torrential rains sa mga lalawigan ng Samar, Masbate, Sorsogon at Catanduanes.

Samantala, inaasahan naman sa Albay, Camarines Sur, at sa nalalabing bahagi ng Eastern Visayas ang katamtaman hanggang sa mabibigat na may malalakas na pag-ulan.

Sa 11 a.m. bulletin ng PAGASA itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 sa mga sumusunod na lugar sa Bicol at Eastern Visayas regions:

  • Sorsogon

  • Albay

  • Ticao Island

  • Northern Samar

  • hilagang bahagi ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Maslog, Dolores, Oras, San Policarpio, Canavid, Taft, Sulat, San Julian, Borongan City, Maydolon)

    hilagang bahagi ng Samar (Calbayog City, Sta. Margarita, Gandara, Pagsanghan,San Jorge, Matuguinao, San Jose de Buan, Catbalogan, Jiabong, Motiong, Paranas, Tarangnan, San Sebastian, Hinabangan)

Samantala, isinailalim naman sa Signal No. 2 ang mga lugar ng:

  • katimugang bahagi ng Quezon (Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Plaridel, Agdangan, Unisan, Gumaca, Pitogo, Macalelon, Lopez, Caluag, General Luna, Catanauan, Perez, Alabat, Quezon, Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, Mulanay, San Andres, San Francisco),

  • Camarines Norte,

  • Camarines Sur,

  • Catanduanes,

  • Burias Island,

  • mainland Masbate,

  • Marinduque

  • Biliran,

  • nalalabing bahagi ng Samar,

  • nalalabing bahagi ng Eastern Samar

Habang nasa Signal No. 1 naman ang:

  • Aurora,

  • katimugang bahagi ng Nueva Ecija (General Mamerto Natividad, Palayan City, Cabanatuan, Santa Rosa, Jaen, San Isidro, San Antonio, Cabiao, Bongabon, Gabaldon, General Tinio, Laur, San Leonardo, Peñaranda, Gapan City),

  • Bulacan,

  • Metro Manila,

  • Cavite,

  • Laguna,

  • Batangas,

  • Rizal, nalalabing bahagi ng Quezon,

  • Romblon,

  • Bataan, at

  • Pampanga

  • hilagang bahagi ng Leyte (Calubian, San Isidro, Tabango, Villaba, Leyte, Kananga, Capoocan, Carigara, Barugo, San Miguel, Babatngon, Tunga, Jaro, Alangalang, Sta. Fe, Tacloban City, Palo, Pastrana, Dagami, Tabontabon, Tanauan, Tolosa, Ormoc City, Matag-ob, Palompon, Merida, Isabel, Albuera, Burauen, Julita, Dulag)

Sa loob ng 12 oras, magsisimula nang makaapekto ang malalaks na hangin at mabigat na pag-ulan ng eyewall region sa Northern Samar at hilagang bahagi ng Samar at Eastern Samar.

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa pag-ulan sa matataas at mahihinang lugar na maaapektuhan.

Sa Biyernes naman, sinabi ng PAGASA na magdadala ng malakas na pag-ulan ang Ambo sa Bicol Region, habang katamtaman hanggang sa mabigat na pag-ulan naman ang mararanasan sa Northern Samar, Quezon, Aurora, Marinduque, at Romblon.

Hanggang alas-10 ng umaga ngayong araw, namataan ang lokasyon ng Ambo na gumagalaw pa-kanluran sa 15 km/h, at nasa 140 kilometro silangan timog-silangan ng Catarman, Northern Samar. May lakas ito ng hangin na aabot sa 150 km/h malapit sa sentro at may bugso na aabot sa 185 km/h. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Loading...