#AmboPH patuloy na lumalakas habang tinutumbok ang hilagang bahagi ng Samar

#AmboPH patuloy na lumalakas habang tinutumbok ang hilagang bahagi ng Samar

May 14, 2020 @ 6:11 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Nagdadala ng malakas na hangin at mabigat na pag-ulan ang Bagyong Ambo sa hilagang bahagi ng Samar at katimugang bahagi ng Northern Samar.

Batay sa pinakahuling tala ng PAGASA, namataan ang lokasyon ng mata o sentro ng bagyo sa San Jose De Buan, Samar bandang alas-4 ng hapon.

May lakas ito ng hangin na aabot sa 155 km/h malapit sa sentro hanbang aabot naman sa 255 km/h ang bugso nito.

Kumikilos ito pa-kanluran sa 15 km/h.

 

Samantala, nakataas ang Signal No. 3 sa mga lalawigan ng:

  • Sorsogon

  • Albay

  • Masbate (kabilang ang Ticao at Burias Islands)

  • Catanduanes

  • Camarines Sur

  • Camarines Norte

  • at pinakatimog na bahagi ng Quezon (Tagkawayan, Calauag, Lopez, Macalelon, General Luna, Catanauan, Buenavista, Guinayangan, Mulanay, San Narciso, San Andres, San Francisco)

  • Northern Samar

  • hilagang bahagi ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Can-avid, Taft, Sulat, San Julian, Borongan City, Maydolong)

  • hilagang bahagi ng Samar (Calbayog City, Sta. Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, Matuguinao, San Jose de Buan, Catbalogan, Jiabong, Motiong, Paranas, Tarangnan, San Sebastian, Hinabangan)

  • Biliran

Nakataas naman sa mga sumusunod na lalawigan ang Signal No. 2:

  • katimugang bahagi ng Quezon (Mauban, Sampaloc, Lucban, Tayabas, Dolores, Candelaria, Sariaya, Tiaong, San Antonio, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Quezon, Alabat, Perez, Real)

  • Marinduque

  • Romblon

  • Laguna

  • at timog-silangang bahagi ng Batangas (Padre Garcia, Ibaan, Batangas City, Taysan, Rosario, Lobo, San Juan)

  • pinakahilagang bahagi ng Leyte (Calubian, San Isidro, Tabango, Leyte, Capoocan, Carigara, Barugo, San Miguel, Babatngon, Tunga, Alangalang, Sta. Fe, Palo, Tacloban City, Jaro)

  • nalalabing bahagi ng Samar

  • at nalalabing bahagi ng Eastern Samar

Narito naman ang mga lalawigan na isinailalim sa Signal No. 1:

  • Aurora

  • Nueva Ecija

  • Bulacan

  • Metro Manila

  • Cavite

  • Rizal

  • Bataan

  • Pampanga

  • Isabela

    Nueva Vizcaya

  • Quirino

  • Tarlac

  • Zambales

  • Oriental Mindoro

  • silangang bahagi ng Pangasinan (Lingayen, Bugallon, Aguilar, Mangatarem, Binmaley, San Carlos, Urbiztondo, Basista, Bayambang, Bautista, Calasiao, Alcala, Malasiqui, Sta. Barbara, Dagupan, Mangaldan, San Jacinto, Mapandan, Manaoag, Urdaneta, Villasis, Sto. Tomas, Rosales, Balungao, Umingan, San Quintin, Sta. Maria, Natividad, Tayug, Asingan, San Nicolas, San Manuel, Binalonan, Laoac, Pozorrubio, Sison, San Fabian)

  • nalalabing bahagi ng Quezon

  • at nalalabing bahagi ng Batangas

  • nalalabing bahagi ng hilagang Leyte (Villaba, Kananga, Matag-ob, Palompon, Ormoc, Merida, Isabel, Ormoc City, Albuena, Pastrana, Dagami, Tanauan, Tabontabon, Tolosa, Barauen, Julita, Dulag)

  • hilagang-silangan ng Capiz (Pilar)

  • hilagang-silangang bahagi ng Iloilo (Carles, Balasan, Estancia, Batad)

  • at Northern Cebu (Medelin, Daanbantayan, Madridejos, Bantayan, Santa Fe).

Pinapayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council ng mga lugar na magsagawa ng nararapat na aksyon at antabayanan ang susunod na Severe Weather Bulletin ng weather bureau. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Loading...