Home NATIONWIDE American national na binansagang registered sex offender, tiklo!

American national na binansagang registered sex offender, tiklo!

146
0

MANILA, Philippines – HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang American national na binansagang registered sex offender (RSO).

Ang isang RSO ay isang tao na dati nang nahatulan ng sex offenses sa ilalaim ng batas sa bansa.

Si Gabriel Rodriguez, 34, isang American national ay tinangkang pumasok ng bansa noong Setyembre 2 sakay ng All Nippon Airways galing Haneda nang harangin siya ng mga opisyal ng Immigration.

Kasama siya sa pinagbawalang pumasok sa ilalim ng Section 29(a) 3 ng Philippine Immigration Act of 1940, na ang isang tao na nahatulan sa kaso na sangkot sa moral turpitude .

Sa datos, si Rodriguez ay nahatulan sa US dahil sa pakikipagtalik sa isang menor de edad noong 2019.

“Registered sex offenders pose as a threat to our people,” ani BI Commissioner Norman Tansingco.

“Those who preyed on children have no place in the Philippines,” dagdag pa ng opisyal.

Ayon pa kay Tansingco, ang pangalan ni Rodriguez ay kasama sa BI blacklist. JAY Reyes

Previous articleKadiwa pop-up store inilunsad sa Bilibid
Next articleOverstaying French national, arestado ng BI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here