Home METRO American national na wanted sa FBI sa sex crimes, tiklo sa BI!

American national na wanted sa FBI sa sex crimes, tiklo sa BI!

437
0

MANILA, Philippines- Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American national na “overstaying” sa bansa at matagal nang wanted ng mga awtoridad sa Nevada dahil sa kinahaharap nito na sex crimes.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pugante na si Eduardo Rojas Minas, 60, na inaresto sa Sta. Cruz, Zambales ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) ng BI.

Nabatid kay Tansingco na si Minas ay matagal nang nasa listahan ng mga wanted sa Federal Bureau of Investigation (FBI) noong pang November 2006 kung saan may warrant of arrest ang inisyu sa kanya ng Justice Court sa Las Vegas township, Clark County Nevada.

Gayunman, tumakas si Minas at nagtago sa Pilipinas at hindi na umalis simula noon.

“He will thus be deported for overstaying and being an undesirable and undocumented alien. He no longer holds a valid passport since it already expired in Jan. 2013 and was not renewed,” ayon kay Tansingco.

Ayon kay BI-FSU acting chief Renell Ryan Sy, kinasuhan si Minas sa Nevada court ng two counts na sexual assault at dalawang counts na statutory sexual seduction.

Si Minas ay pagbabawalan na muling makabalik sa Pilipinas dahil sa kanyang mga kaso na kasalukuyang nakadetine sa Camp Bagong Diwa, Taguig City hjabang hinihintay ang kanyang deportation proceedings. JAY Reyes

Previous articleP1M tobats, tsongki nasamsam sa 2 tulak
Next articleJapanese promoter nasiyahan sa laban ni Casimero sa Pinas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here