Home METRO American nat’l kalaboso sa bomb joke sa Laguindingan Airport

American nat’l kalaboso sa bomb joke sa Laguindingan Airport

MANILA, Philippines- Arestado ang isang dayuhan sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental dahil sa sinambit na bomb joke nang pababa na siya mula sa eroplano.

Sinabi ni Laguindingan Airport Manager Job De Jesus na kasalukuyang nahaharap ang US citizen sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1727 na nagpaparusa sa bomb jokes ng limang taong pagkakakulong at multa hanggang P40,000.

Ani De Jesus, pababa na ng eroplano ang dayuhan matapos itong lumpag ng alas-9:42 ng gabi nang sambitin nito ang bomb joke na narinig ng mga kapwa pasahero.

Iniulat ang insidente sa airport police na nagresulta sa pagkakaaresto ng dayuhan. RNT/SA

Previous articleAllen, naawa kay Jiro!
Next articleP31.98B ilegal na droga, kemikal nasamsam ng PDEA mula July 2022