Amerikano itinumba habang naglalakad

Amerikano itinumba habang naglalakad

May 24, 2020 @ 11:09 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Lingayen, Pangasinan – Patay ang isang US citizen matapos pagbabarilin habang naglalakad pauwi sa Brgy. Poblacion dito.

Kinilala ni Lt./Col. Thedore Perez, officer-in-charge ng Lingayen Police Station ang biktima na si Justin Becker, may asawa, residente ng naturang lugar.

Nabatid na ang biktima ay pauwi sa kanyang tinutuluyang apartment nang pagbabarilin.

Tinamaan ng bala sa likurang bahagi ng katawan si Becker na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Blanko pa ang mga awtoridad kung ano ang motibo sa pamamaslang at kung sino ang salarin sa krimen. Rolando S. Gamoso

Share

Leave a Reply

Loading...