Home NATIONWIDE Amihan, buntot ng LPA magpapaulan sa bansa

Amihan, buntot ng LPA magpapaulan sa bansa

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na papawirin at mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa sa northeast monsoon (amihan) at ang labangan ng Low Pressure Areas (LPA) ngayong Martes, Enero 30, iniulat ng PAGASA.

Ang Caraga, Davao Region, Camiguin, Misamis Oriental, Bukidnon, at Southern Leyte ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa labangan ng LPA na may flash flood o landslide na posibleng mangyari dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Bicol Region, at ang nalalabing bahagi ng Silangang Visayas ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon na walang makabuluhang epekto.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mahihinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon na walang makabuluhang epekto.

Ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa labangan ng LPA at mga localized thunderstorm na may posibleng flash flood o landslides na magaganap sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 6:25 a.m., habang lulubog ito ng 5:54 p.m. RNT

Previous articleLotto Draw Result as of | January 29, 2024
Next articleP38-M lotto jackpots ‘di napanalunan