Home NATIONWIDE Amihan, Easteries, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

Amihan, Easteries, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

MANILA, Philippines – Iiral ang Northeast Monsoon o Amihan sa ilang bahagi ng Luzon habang Easterlies naman ang makaaapekto sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Ayon sa PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Aurora, at Quezon ang amihan, habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains.

Ang pinagsanib na epekto ng Easterlies at localized thunderstorms ay magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains o thunderstorm sa Palawan, Visayas at Mindanao.

Posible ang pagbaha at pagguho ng lupa sa serye ng malalakas na pag-ulan. RNT/JGC

Previous articleLIGTAS NA PASKO AT BUHAY NA DROGA
Next articlePaputok bawal sa Muntinlupa, QC