Home NATIONWIDE Amihan, easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas

Amihan, easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas

MANILA, Philippines- Makaaapekto ang Northeast Monsoon (Amihan) sa extreme Northern Luzon habang iiral ang easterlies sa natitirang bahagi ng bansa ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Bicol Region, Northern Samar, Eastern Samar, at Samar na sasabayan ng kalat ng pag-ulan dahil sa easterlies.

Inaasahan din sa Batanes at Babuyan Islands ang maulap na kalangitan at mahinang pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.

Nagbabadya naman sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at natitirang bahagi ng Cagayan Valley ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa Northeast Monsoon.

Makararanas ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa extreme Northern Luzon ay moderate to strong patungong northeastward, at ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Iiral sa natiitrang bahagi ng bansa ang light to moderate wind speed patungong northeast to east direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw ng alas-6:16 ng umaga at lulubog ng alas-6:03 ng hapon. RNT/SA

Previous articleSALAG NI USEC CATURA
Next articleALAMIN: Mga kalsadang apektado ng road repairs sa Peb. 23-26, 2024